Sunday, November 24, 2013

Paano maging pogi?

Paano ba maging POGI?

Ang mahirap sagutin, ang mahirap na tanong ng karamihang lalake.

Maraming lalake ang hanggang ngayon ay nagtatanong at nag iisip paano ba maging pogi. Sa totoo lang madali lang naman maging pogi. Basta alam mo kung anong purpose mo para alam mo ang approach paano nga ba maging pogi.

Purpose:

1. Manliligaw sa babae (Pang seryosohan)
2. Mang chics (Flirt or a night stand lang)
3. Magpa aura sa mall
4. Makapang chics sa bars/clubs
5. Mamaintain ang relationship with your existing gf
6. Mag higanti dahil pinag palit ka sa mas gwapo sayo
7. Mag higanti dahil pinag palit ka sa mas panget sayo.. ARAYY!
8. Trip mo lang..



Answers:
1. Mang chics (pang seryosohan) -

Unang una sa lahat mga kapatid, kung seryosohan ang habol mo at gusto mong maging pogi sa nililigawan mo. DAPAT mong alamin kung ano ba LIKES and DISLIKES ng nililigawan mo. Pwede kasing mahilig sya sa Physical Attributes gaya ng matangos ilong, makisig ang mata, macho, korean hairstyle, kalbo, may tatoo, or what. PERO, lagi mong tatandaan, kung seryosohan ang plano mo, gawin mo itong 2nd or 3rd priority sa list mo bilang isang lalake.

BAKIT? Simple lang, aminin man natin sa hindi, kung GWAPO ka or POGI ka sa ngayon, at maraming babae ang naghahabol sayo. Ngayon lang yan boi! Kasi whether you like it or not, kung ang 1st priority na ginawa mo ay iaattract sya dahil pogi ka tpos seryosohan pala habol mo, may CHANCE na pag nakahanap sya ng mas pogi sayo, baka palitan ka nya. Reality hurts ika nga, kaya sa una palang dapat, maging mindset ng karamihan na hindi kapogian (pisikal) ang magpapatakbo ng relation.

Guidelines for serious type (POGI POINTS):

1) EFFORT! - yang ang number one kapag manliligaw ka sa isang babae at seryoso ka. Wag kang patamad tamad. Nagtatanim ka pre ng isang puno ng Mangga. Kaya pag gising palang dapat sa umaga, effort na agad. Napakaraming paraan naman para mag effort. Text, chat, fb, sundo, hatid, calls and kung ano ano pa. Tandaan mo kahit anong kabaduyan mo at kapangitan ng muka mo, kung SINCERE ka naman sa ginagwa mo (PASSIONATE) kung baga, mararamdaman ng mga babae yan 100%.

2) TIME! - Oras ay mahalaga. Ika nga nila , time is gold. Its more precious than you'll ever imagine. Hindi mo kayang ibalik ang oras na lumilipas. Madaling sabihin na mag aalot ka ng effort sa isang babae, pero ang tanong nasa TIMING ba? baka naman during those times na kailangan mo sya saka ka lang lalapit tsong, pag ikaw na kailangan nya, wala na , DEDMA na kasi nanchichics ka pala. Wag ganun. Give time as you invest yourself into your relationship. Marami kayo magiging memories as time goes by. Kahit simpleng hatid mo lang sya or sunduin mo lang sya from school, work, or ano man ginagawa nya sa buhay, enough na yun para maramdaman nya presence mo. 

3) MAKE MEMORIES! - dati akong nanliligaw din sa isang babae. Para mas may tusok sa kanyang isip at damdamin, gumawa ako ng something na lagi nya akong maalala. Palagi ko syang hinahatid at sa bus kami sumasakay. During na magkasama kami at madalas kaming sumasakay sa bus, at minsan inaabutan ng trapik (in which mas gusto ko), dun kami nakakapag usap about sa amin at kwentuhan to da max! Minsan kapag hindi kami mag kasama, naikwento nya sa isang kaibigan nya na kapag nakakakita sya ng bus, ako agad ang naalala nya.
Kagaya ng hinalimbawa ko sa sarili ko, you can do such things para maalala ka nya. Itanim mo sa isip at puso nya na pag may nakita siyang isang bagay na lagi nyong ksma during magkasama kayo, maalala ka niya! Gets mo ba brader? Kung hindi, eexample pa ako. Dati kong nililigawan din (bago itong GF ko ngaun), pag magkkta kami, lagi kong dalang pantulak sa kinakain namin, C2 iced tea. Bawat pag kikita namin, may dala akong meal (kanin at ulam), junkfoods, or kung ano man, ang drinks namin lagi C2. kya nung time na hindi pinalad sa panliligaw, sinabi nya sa akin na "alam mo, pag nakakakita ako ng C2, ikaw lagi naalala ko" .. POGI POINTS!

4) PAUSE FOR AWHILE! - Some people may say na contradicting to if di nyo magegets ang sasabihin ko. Uunahan ko na kayo. Medjo contradicting to, pero pag nagets nyo, ito yung pang hatak sa kanila bakit SILA MISMO ang maghahanap sa inyo. So paano ba ito? After making the first 3 steps as what i mentioned above, forth thing that you will do is to PAUSE FOR AWHILE! Paanong pause?

Example:
Araw araw mo siyang sinusundo at dinadalhan ng pasalubong upang kainin nyo habang nasa byahe kayo, siguro
DAPAT SUNOD SUNOD ito ng mga 15-30days.

Hanap ka ng timing na di mo sya masusundo at wag mong itxt or wag ka magparamdam. By that time, sigurado 80-90% na hahanapin ka nya at NAG AALALA sayo yun kung anong nangyari sayo. Gawin mo ito 1-2 days lng. Then pag nagkta kayo, pakiramdaman mo sya kung magtatanong siya sayo kung anong nangyari sayo nung di ka nagparamdam. WAG MONG AAMININ na sinadja mo. Importante ito sa ating mga lalake upang alam din natin ang lagay natin sa kanila at kung ano na ba status natin sa ginagawa nating hakbang. Pampalakas din ito ng loob natin para lalo tayo magpursige.

**Note:**
Kung hindi ka hinahanap ng iyong nililigawan, siguro dahil kulang pa ang pag eeffort mo or pag tatanim mo sa relation nyo. Maari ring, tinatago lang nya sayo na nag aalala sya pero maniwala ka brad 80-90% na mga babae magtatanong bakit di ka nagparamdam.

5) BE A SOLDIER, KNOWS HOW TO SURRENDER IF YOU LOSE THE BATTLE!


Sometimes ang mga lalaki, ang titibay , oo sobrang tibay. Kahit na sinabi ng babae sa kanya na walang pag asa or walang ma-ilelevel up pa, go pa din ng go at tinutuloy pa din. Saludo ako sa inyo pards, kaso minsan nawawala na respeto natin pag ganyan. Think of it in a larger view. Pag sinuyo mo ng sinuyo at ayaw naman nya magpasuyo, sometimes you have to respect and find other one. Always remember, you can't get everything into your life. Find another one! I know its easy for me to say these things kasi wala ako mismo sa nararamdaman ng kung sino man, pero advice lang kapatid, wag ipilit pag wala talaga. Kasi kung sagutin ka man nyan, dahil napilitan, palagi lang kayo mag aaway kasi ang foundation nyo ay pilit lang. Hindi ba mas maganda pag natural at passionate ang pagmamahalan nyo? SW4 lang pre. "Some will, some wont, so What? somebody's waiting" ..


Goodluck pre, pards, kapatid, bro!!

next topic: Pano maging pogi KUNG ( 
Mang chics ka for Flirt or a night stand lang).

6 comments: